Feb 23, 2011

Masarap Mag-Yoga

       Yoga - Isang uri ng malumanay na ehersisyo kung saan kailangan mong baluktutin ang buo mong katawan para maranasan ang ginhawa. Sabi ng iba, nakaka-alis daw ito ng stress at nakakatulong ma-relax ang utak. Sa dinami-dami ng gym class na nakita ko, isa lang ang pumasok sa isipan ko, ang maging fitness instructor. Mas okey yata yun kasi libre ka nang makaka-gamit ng mga equipment sa loob ng gym tapos may bayad ka pa. Bonus pa yung nakikita mo yung mga seksing babe sa loob. Balik sa Yoga, may litrato akong nakita na parang mas nagpa-tindi ng kagustuhan kong maging instructor nito...

Feb 21, 2011

Pamalit sa Palingkuran ng MMDA


           Nangyari na ba sa inyo na nasa kalye kayo at may naramdaman kayong sakit sa inyong pantog? Yung tipong nasa daan kayo tapos biglang gusto nyong ma-ihe? Minsan nangyari na sa akin yun. Hindi ako naka-dyinggel bago umalis ng bahay dahil nagmamadali ako, aircon ang sinakyan kong bus kaya pagdating sa lugar na destinasyon ko, wiwing-wiwi na ako. Medyo malayo pa yung mall at hindi ko rin naman gawain na umihi sa pader (saka may naka-sulat na "Aso Lang ang Umiihi Dito" eh). 

Feb 20, 2011

Konggrats Sa Iyo, Nonito!


             Pinatunayan ng Pinoy boxer na si Nonito Donaire na pagdating sa suntukan eh makamandag din ang kanyang kamao tulad ng kay Manny Pacquiao. Kinansela ko yung pag-nood ko ng Burn Notice para mapanood ko yung buong laban nilang dalawa ni Fernando Montiel.

Ang Kagandahan ay Hanggang Balat Lamang

             Ikaw ba'y isang babae na sawi sa pag-ibig dahil sa wala ka man lang kahit isang manliligaw? O di kaya ay isang lalaki na halos lahat ng babae ay niligawan na pero wala man lang kahit isa na nagbigay sa iyo ng pag-asa? Nagduda ka na ba na baka ang dahilan ng kabiguan na ito ay ang iyong mukha? Sa madaling salita, ikaw ba ay panget? Kung oo ang iyong sagot sa mga katanungan na ito, malamang na sobrang lungkot na ng iyong nadarama. Pero hindi naman talaga lahat ng tao ay tumitingin sa panlabas na anyo. May mga tao pa rin naman na mas gusto ang mga taong mabait kese mganda at gwapo at yun ang totoo. Hindi ka naniniwala? Pagkatapos ng break jump, makikita mo ang mga patunay na may pag-asa pa sa pag-ibig ang mga pangit na tulad natin...