Feb 20, 2011

Konggrats Sa Iyo, Nonito!


             Pinatunayan ng Pinoy boxer na si Nonito Donaire na pagdating sa suntukan eh makamandag din ang kanyang kamao tulad ng kay Manny Pacquiao. Kinansela ko yung pag-nood ko ng Burn Notice para mapanood ko yung buong laban nilang dalawa ni Fernando Montiel.



             Sabi ko sa sarili ko, mukhang hapon na ito matatapos dahil siguradong tadtad na naman ito ng commercial. Exciting yung round 1. Kita mo na kaagad na seryoso talaga si Donito na mapabagsak ang kalaban nyang Mexicano na si Montiel. Malakas na suntukan kaagad at kaunti lang ang tinginan. Pagdating nung round 2, mas exciting kasi nakita ko na magaling pala lumangoy si Montiel kahit walang tubig.



Makikita sa photo na ito na may talent din sa paglangoy si Fernando Montiel pero ang mas nakakabilib ay marunong palang lumutang sa ere si Nonito Donaire!!!
  


             Sigurado akong maraming natutuwa sa pagka-panalo ni Nonito sa 2nd round pa lang pero malamang na napakadami ding manonood na nabitin. Masyado kasing mabilis natapos ang laban. Ang payo ko sa mga Pinoy boxers natin eh wag naman sana nila masyado galingan pag meron silang laban. Lugi yung mga audience eh. Kayo, ano ang mas gusto nyo pag may laban ang mga boxers nating Pilipino at isa kayo sa manonood? Yung siguradong panalo sa 2nd o 3rd round pa lang o yung hanggang 11th o 12th round pero hindi sureball ang panalo?

No comments:

Post a Comment