Feb 19, 2011

Mga Dukha sa Bansang Mongolia


           Nanlulumo ka ba sa tuwing makikita mo ang kalagayan ng iba nating kababayan na mahihirap? Yung mga nasa iskwater's area, nakatira sa kariton o yung mga natutulog lang sa kalye. Sa maniwala ka man o hindi, marami ding bansa sa Asya ang kung hindi kasing-hirap ng 'Pinas eh mas mahirap pa. Habang nagba-browse sa internet (maliban sa You Jizz), nakita ko itong ilang litrato ng mga taga-Mongolia na nakatira sa ilalim ng mga kalsada o sewers. Problema din pala ang pa-bahay sa kanila. Yung ibang litrato ay makikita paglampas sa jump break.


Feb 18, 2011

Introduksyon

                Ang blog na ito ay naglalaman ng aking mga personal na isipin, opinyon, mga adbentyur sa loob at labas ng bansa (kahit na Cubao pa lang ang pinaka-malayong lugar na narating ko), mga nakikita sa telebisyon, nababasa sa libro, nakikita sa internet, naririnig sa mga nakakasabay sa bus, dyip, traysikel, pedikab, skateboard o kariton, mga nakikita sa kalye, mga taong nakakasalamuha, mga pangyayaring di malilimutan, at higit sa lahat, kung paano maging masaya sa kung anong meron sa ating buhay.
               Kung meron kang sobrang oras at gusto mong sayangin ang iba nito, maligayang pagdating sa Walis at Daspan.