Nangyari na ba sa inyo na nasa kalye kayo at may naramdaman kayong sakit sa inyong pantog? Yung tipong nasa daan kayo tapos biglang gusto nyong ma-ihe? Minsan nangyari na sa akin yun. Hindi ako naka-dyinggel bago umalis ng bahay dahil nagmamadali ako, aircon ang sinakyan kong bus kaya pagdating sa lugar na destinasyon ko, wiwing-wiwi na ako. Medyo malayo pa yung mall at hindi ko rin naman gawain na umihi sa pader (saka may naka-sulat na "Aso Lang ang Umiihi Dito" eh).
No choice, sabi ko sa sarili ko, bibilisan ko na lang maglakad para makapasok na sa mall ng biglang nakita ko sa sulok ng mata ko yung male urinal ng MMDA. Nice. Pasok ako kaagad pero wala pang 1 segundo eh umeskerda din ako palabas. Di ko kinaya yung panghi eh. Kaya siguro hindi naging masyadong matagumpay itong project ng MMDA nung katagalan.
No comments:
Post a Comment